Home

Advertisement

Afraid

  • Sep. 14th, 2009 at 4:44 PM

It is really funny to think that I moved on easily from the very last issue I was in. I remember the times that I blog about him a lot, sharing things to a lot of people, telling everyone how things are going on between us. But it seems like time flew away so quickly and I can actually imagine how I did all those stuffs (past) while deeply and madly "in love" with that man.

Was I really in love?

That question still dominates my mind every time I think of this issue. And then I met a guy through a friend and this guy is very fantastic. I met him during those times that I can feel within me that I am very hopeless to have the man I love. Truly, that time was when sadness really filled my mind and heart every night. And it is as if I wanted to die the next day. But then there he is. He is 3 years older, almost a feet taller than me, with fair complexion, and wavy hair. He has the eyes of an adorable man. I called him my "kuya" and he called me as his "bunso". I really enjoyed talking to him about different things. I usually tell him about my problems, actually, he's my confidante. But we barely see each other. Until we both found out that his aunt and uncle is our neighbor. Since then, our closeness pushed through.

Then the time came when he told me that he likes me. And he asked me if I like him too. For a safe answer, I told him yes. But I really like him. There is just one problem: he has a girl friend. He said that their relationship is very conflicted--"malabo". And they never talk to settle their problem because of their busy schedules.

We don't know where to place ourselves.
We have our rights and limitations.

Now, I don't know. For two months, I became so attached to him. I am not in love with him yet. But I know, some when in time I will, sooner or later. I don't want it to happen. I'm afraid.

uh yeah... :D

  • Apr. 8th, 2009 at 2:30 AM

siguro mas magandang bungad dito ay ang very good news na nakita ko kanina sa CRS ko .:D
ahahahahahahahhahahaha
hulaan mo?
yiheee..
ang saya saya..
ahahaha..
natupad ang wishi wish ko kay God..
:))
:))
:]]
i got .one.
one.
one.
one.0
wiiiiiiiiiiii
one.0 in math..
ang saya!!

to the max nga naman.

  • Apr. 7th, 2009 at 9:19 PM

after my post last week ay ewan ko na. he changed a bit or a lot? basta. i dont feel unimportant anymore. i guess nabasa niya ang post ko sa friendster. ahaha.. di ko naman kasi akalain na babasahin niya, rather di ko naman alam na medyo may pagkausisero siya sa bulletin. dahil ang alam ko talaga, di siya nagbabasa masyado ng mga ganon, unless.. hehehe.. bahala na kayo magdugtong. isang conversation namin sa Y!M day after I posted that blog.. bigla nalang siyang di nagreply agad., so i asked him, "Bat tagal mo rep? busy?" he said.. "wala aman po, me binabasa lang.." He is not the type of person na mahilig magbasa, at napaka easy go lucky nyang tao. Madalas sagot niya, la siya pake.. gnon naman lagi. (kaya nga medyo naiinis ako.)

naisip ko na nga na nabasa niya ang post kong iyon... at aun. he changed.. hindi naman gano pero at least, nrrmdmn q na na nageexist ako sa mundo niya. kala ko kasi ni anino wala akong role.(drama)
Natuwa lang ako kasi bigla siya nagbago.. dati ang saya lumayo ngayon ayaw ko na uli 
Narealize ko din na mas okay na ganito kami.  Nurturing our friendship. Medyo nagseselos pa din naman aq.. at siyempre dahil medyo loka loka ako, di ko namandin maiwasan na magkacrush sa ibang guy :D ahahahaha.. pero siyempre.. siya pa din naman sa huli e..:) best friend ko ata un 

Ilang araw din kaming di nagkita.. mga 5days? hehe.. kahapon lang uli kami nagkita sa enrollment..:D ang haba ng pila sa PNB.. so sa 13 nalang kame magbabayad.

Sa first day ng classes.. sa 14 manonood kami sine sa Sta. Lucia.. Yey. May Mojos uli ako ahahahaha.. wala lang. Keri lang ang feeling ko ngayon. Light lang.. Sakto. Okay na ako.

Salamat din sa friends ko na laging andyan.. Special mention ang inspirational words ni Bap. ahahaha.. 

Share ko lang din siguro na nagjjogging na ako every morning. Siguro un na ung gagawin ko ngayong holy week. Paggising ng MAAGA (as early as 5am) at tumakbo. I dont usually jog kasi nakakapagod. HAHAHAHA... Pero dahil desidido akong pumayat.. Aun.. un na.

Kaso.. ang kalat ng kwarto ko... sobra.. hahahahahahahahahahahahahahaha..=))

Hindi naman ako masaya.. hindi rin ako malungkot.. hmmm.. sakto lang 

naisip ko lang...

  • Apr. 2nd, 2009 at 3:09 AM

naguguluhan ako tlg ngyon.. ahaha.. di ko lam ano gagawin ko sa buhay ko.. hayy.. after a month ang daming nangyari.. and i dont know if dapat ko tlg pagtuunan ng pansin ang mga iyon.. hahahahaha.. gusto ko man isipin parang wag nalang.. kasi lalong gumugulo.. at naiinis ako sa isang taong nagpgulo nito. ahahahahaha... tinatawa ko na nga lang e. Kasi nga ayoko na masyado paka-emo. pero talaga napapaicip ako e. lalo na pag kausap ko siya o hindi.

- Ano pa nga ba aasahan ko? Kahit naman mawala ako di ako hahanapin. Sana kasi sinasabi agad kung hindi ako mahalaga. Para hindi ganitong umaasa ako sa wala.

- Hindi ko naman talaga alam kung saan ko ilulugar ang sarili ko sa buhay niya. Sana lang siya na mismo ang naglulugar sa akin.

- Hindi ko ninais lumayo dahil ayoko na, gusto ko lang talaga malaman kung ano ba ako sa buhay niya.

- Bakit kasi kailangan nating gawing kumplikado lahat? Hindi ba pwedeng 100 o ZERo ang certainty ng isang tao?

- Mahirap naman kasi mag-assume lalo na kung unpredictable yung isa.

- Kung hindi kasi ngayon, kelan pa?

- Ano bang mapapala sa isang taong hindi alam ang gagawin sa buhay niya?

- Paano kung pinaaasa lang niya ikaw sa wala?

- Hindi lahat ng bagay ay nasosolusyunan ng paglayo - sabi ng isang kaibigan.

- Ang pagkakaibigan ay ang pinakamalalim na anyo ng pag-ibig. Naniniwala ka ba?

- Kung mas pinili niyang maging magkaibigan lang kayo, masyado ka niyang mahal dahil ayaw ka niyang mawala. -hindi ito convincing. depende pa din sa tao.

Naiinis lang talaga ako malaman na ang lahat ng bagay sa buhay ko ngayon ay puno ng kaguluhan. Kahit kelan ay hindi naging malinaw para sa akin ang mga bagay-bagay. Oo, ninais ko talagang lumayo noon pa. Ano bang nagawa ko? Eto, andito pa rin. Ninais kong gumawa ng first move pero hanggang ngyon di ako umaalis. Ano bang dapat gawin? Isang taong gusto lamang malaman kung ano ang posisyon niya sa buhay ng kanyang mahal na kaibigan. At alam niyang di dapat siya umasa ngayon. buong buhay niya naghihintay nalang siya. nanghuhula. nag-aassume. tama na pls. masyado na magulo lahat. kahit naman kasing sabihin na ayaw ka niyang mawala pero taliwas dun ang pinakikita niya, ano bang gagawin mo? saan ka maniniwala? Actions speak louder than words. Hindi sa lahat ng oras kaya kong maghintay. Kung ayaw niya akong mawala sana naman iparamdam niya. Hindi ung nababalewala ako. Hindi ako sanay ng ganito. At naiinis talaga ako kasi napakahalaga niya pa din sa akin kahit ganon. Nakakapikon talaga ang buhay....

...bahala na nga ang totally spies...

wala lang..
napa-blog lang..
gusto ko lang maglabas ng sama ng loob..
hindi sa toilet bowl..
kundi dito.
tae talaga.

-chi 040209

oh my hs life.. :)

  • Mar. 28th, 2009 at 10:47 PM

Grabbed this one from my blockmate. :]]

1. Bakit ka nahuhuli sa pila bago mag-flag ceremony?
- :D well ganon talaga pag punctual :))

2. Anong fave mong bilhin sa canteen?
- ung Nestea Apple at ung lemon square na ensaymada ung chocolate :D

3. Na-guidance/principal's office ka na ba?
- Sus.. tamabayan ko yun :) ahahaha.. syempre.. andun ung Kabalikat :)

4. Sinong fave teacher mo doon? Why?
- Si T. Edna.. ang taong nagturo sa akin kung paano mahalin ang algebra.:]]

5. Sinong HATEST teacher mo nmn?
- Hahahahahahahahahahaha si ano? ung nagpatayo sa akin at nagsabing,"70 ka na." hahaha

6. San ka usually tumatambay? Why?
- classroom lang naman. di ako pala-labas e..:)

7. Nakakahiyang pangyayari?
- Meron ba? :)) di ko maalala..

8. Most memorable in HS:
- Siya? joke. My friends saka ung puyatan at kasipagan ko :)) na sana.. dala ko pa hanggang ngayon ero unfortunately hindi na ;))

9. Varsity?
- ?

10. Sino una mo nakilala noong high school?
- cheyene..:) siya unang nagpakilala sa akin e. :))

11. Sinu-sino mga kabarkada mo nung HS?
- Madami.. Halo-halo.. :)

12.Nami-miss mo na ba yung uniform mo?
- Oo.. :p ahahaha.. tagal na ako di nagpapalda..:p

13. Ilang beses mo nang nawawala ung ID mo?
- ahahahahahahaha wala pa naman.. pero ngayong college lang talaga leche.:))

14. Favorite teacher's quotable quote?
- "girls you may sit down, boys stay outside..." - sir rommel
 "noynoy..."- sir mar

15. Most unforgettable persons? Why?
- Friends.. and the one.. :)) ahahahahah

16. Kelan mo huling nabuklat ang yearbook nyo?
- wala pa nga yearbook namin eh hahahahaha

17. I-describe ang mukha mo sa grad pic..
- HAHAHAHAHAHAHAH nang-aakit daw. ahahahahahaha

18. Anong binibili mo sa labas tuwing uwian?
- di ako pala-gastos non :P

19. Nakakita ka na ba ng multo sa school?
- nakaramdam :))

20. Nangarag ka ba sa updating/paghahabol sa projects?
- sus. ako pa.:)) kelan ba ako gumawa ng maaga?:))

21. Ano ang unang-una mong ginawa after graduation?
- AHAHAHA.. kumaen.

22. Ano naman ang papel mo sa CAT?
- epal na opiser :))

23. Fave driver?
- Kuya Rey!

24. Kung papalitan ang color ng uniform nyo, ano?
- ok na uN!

25. Nasa Friendster mo ba yung crush mo nung HS?
- wla akong crush nung highschool e. :))

26. Did you ever regret enrolling in your high school?
- no.:)

27. Kilala mo ba kung sino ang nag-post nito?
- si Michael Padlan

28. Sino sa mga ka-batch mo ang pwede sa Pinoy Big Brother?
- no comment

29. Finished college? Where? Course?
- Di pa.UP Diliman. BAPA

30 Anu ang best section mo nung high school?
- Purity, Benevolence, Contemplative, Harmony

ako'y nagagalak :D

  • Mar. 26th, 2009 at 6:43 AM

Ligtas na ako sa mga subject na kinatatakutan ko :)) Ang MBB1, PA11 at Bio1.. :)) Ang hindi ko na lamang alam na standing ay yung sa PA11 pero pasado na un :)) At least I got exempted from the finals of the three.. Sobrang thankful ako kasi, ayoko na pumasok pa. :)) Pagod na ako magExam? Hahahaha.. Sa monday may English 1 pa ako at sa Tuesday may Math 11 pa :D Pagkatapos nun wala na.. Yey!

Magbabakasyon na :D

happy day. :)) [blockmates and geog1]

  • Mar. 21st, 2009 at 9:33 AM

Paano nga ba ito naging happy day para sa akin eh unang unang oras palang mula nang aking imulat ang mga matang ito na nakatingin sa kawalan ay naisip ko na agad na hindi ako makapupunta sa most awaited event of the year in our Geog1-- GEOGRAFILM FEST.

Why? Exam kasi namin sa Math 11. Worst thing is that ang hirap ng test, at habang nagttest, iniisip ko ang Geografilm :( So sad. Di ko naman talaga na naabutan.

After our test in Math 11, nagyaya si Des(blockmate) ng mall, hahaha GALA.. :D Pumayag naman kami, sa una ang dami namin, pero nagbackout ung iba, sa finals nalang daw :)

O diba? May finals pa kami sa Math 11 :)) Nice talaga.

------At nagpunta na nga kami ng TriNoma, kami nila Des, Rosette, Mai at Tina.. My girl friends. Dahil sa kaartehan ng isa naming kasama (Joke lang love you girl!) ay nagtaxi kami. Hahahaha.. may sponsor agad kami. Sa taxi palang ay nagsimula na ang mga kwentuhan namin, kalokohan, chismis, mga issue na alam, at kung anu-ano pa. Basta yun na yun.

Tumapak kami sa TrNoma nang hindi alam ang unang gagawin, kakain pala. hahahaha.. Hindi rin namin madecide kung saan kami kakain. Naglibot pa kami para makahanap ng masarap at affordable kainan. Sa wakas, nadayo kami sa Food court ng Landmark, Sa flaming hot. :D Kumain kami, nagkwentuhan na naman. Ang dami ng kanin super and it ended up na lahat sila ay may tira, AKO din naman meron. Isang kutsara. WAHAHAHAHAHA..

Pagkatapos, naisipan nila magsine. Pero dahil ako ang pulube, pinaghati-hatian nila ang bayad ko :D Syempre, dahil sila ang masusunod, nanood kami ng Watchmen. Okay lang naman siya. Medyo nasira lang ang goal namin TO UNWIND. :)) Dahil kahit nasa loob ng sinehan ay nagbrainstorming kami kung ano ba talaga ang pinakaevent sa pelikula. So medyo censored din ang ibang scenes. Hahaha.. Pero type ko talaga ang boses ni WARSHAR.. ah basta ewan :)) Di talaga namin kayang bigkasin ang name niya dahil mahirap. Basta yun na yun.

--weird. Pero okay lang din. Masaya naman kasi kasama ko sila. After that, nagpicture picture kami sa labas. Hahaha.. Pauwi na rin. :) Almost 3 hours din ung film e. Sulit naman. Masaya talaga ang bonding day na ito with them.

So, si Des ay nauna na dahil papasalon pa daw :)) Kaming apat, ay nagmcdo muna, habang hinihintay dumating ang ate ni Rosette :p Nagfloat, Nagfries, nagkwentuhan.. At si Tina, medyo galit pa ata sa batang dumaan sa harap niya. HAHAHAHAHA... Joke lang Tina.. Akala daw niya kasi ako, eh nakaupo lang naman ako. Hahahahahahaha.. Loko talaga.. Sakit ng tyan ko kakatawa kanina e. Tapos, hinatid namin si Mai sa sakayan pabalik ng UP..Pag-akyat sa hagdan, si Rosette, natalisod. Halos yakapin na niya ang hagdan. HAHA.. Peace Rosette :D Ako lang naman ang nakakita e.. Ako lang ang nakakita na nakakakilala sayo :)) Tapos, uwian mode na.

To my blockmates mentioned above: Thank you sa araw na ito, I really enjoyed it. Masyado akong overwhelmed kasi pinaghatian niyo pa ang pangsine ko para lang makasama ako. Thank you talaga. Rosette: Sa susunod mag iingat ka sa mga hagdan ah? Kung di ka sumasayaw eh natatalisod ka. :)) Des: Nice pic ah :D Mai and Tina: Thanks sa sine :D Sa inyong lahat, thanks sa time. I love you all. Nag enjoy talaga ako sa tawanan natin.

Habang nasa FX naman ay nakareceive ako ng mga GM mula sa aking mga kagrupo sa geog1. Mukhang ang saya nila so nakibalita ako. Then they said:

We won :)) May award"s" kaming nakuha. Can't remember kung anu-ano iyon basta, 5 ata? o 4. :) I never really expected na magiging ganon kasuccessful ang Geografilm namin. Lahat ng pagod namin ay nabawi. Ang saya talaga. Ang pagpunta namin ng MOA, Luneta, ang mga pagtataboy na natamo namin mula sa iba't ibang guards, lahat na! Adventure talaga ang ginawa namin mula The Making. Sayang. Di ko nairecord iyon :D

To all my Geog1 groupmates, kina Aimee, Ryan, Joyce, CJ, Anabeth at Daday

Salamat talaga sa inyong lahat, sa mga times na nakasama ko kayo :) I will really miss you guys!

To Sir Jayson,

---speechless** :D
---- so siguro, sapat na ang mga rason na ito para masabi kong masaya talaga ako ngayon. :D :)

GO GREEN!

Artista ba ako ng exams ? :))

  • Mar. 16th, 2009 at 11:34 AM

Todo talaga tong schedule ko ah? Ayaw naman nila ako purgahin. :)) Hahahahaha...

This week :

Tuesday - 4th Reaction Paper in PA11
Wednesday - Geog 1 3rd Long Exam
Thursday - MBB1 2nd Long Exam
Friday - Bio 1 2nd Long Exam
Saturday - Math 11 3rd Long Exam

Next week??

Tuesday - PA11 Finals :)

March 30 - English 1 Finals

Math 11 finals?? EWAN ko pa :D

waheheheheheheh!! ayaw ko naman magexam ano? :)) aaral na nga ako mabuti. good luck nalang sa ating lahat na patapos na ang klase :D

Thank God he's there :) Always tellin' me it's gonna be fine.
Parang kahapon lang ay magkaibigan kami, and we're just best friends :p

(biglang shift topic e noh)

Hahahahahahaha

:) in a relationship

  • Mar. 8th, 2009 at 4:06 AM

Obvious naman di'ba? Haha naging handa ako agad magkaro'n. Nagulat nalang din ako sa nangyari e. 'Yun. Nabigla ako. :)) Masyadong mabilis ang mga pangyayari eh.. At madami pang nangyari. Ü Share lang naman. Hehehe. All I know is that "kami na" and "mahal ko siya.ü"

Wiiiiiiii!!! Sino ba kasi siya? Hahahaha!!! Alam na 'yun ng iba. Hehe! 'Yung iba nga alam ang history eh. Wahahahaha! ü

J.E.A.P. :) i <3 u.

-noong unang panahon-
Bes: Hanggang kelan mo ba balak ipahinga 'yang puso mo?
Ako: Di ko alam sa ngayon. Let's see.

so.. 27 is the date.

  • Mar. 2nd, 2009 at 7:57 AM

:) Happy at last.


Note: May kahabaan ang sumusunod. Medyo madrama ang mga mababasa. Paunawa: Wag na basahin kung tinatamad. Kung babasahin ay okay lang. Kanya-kanyang trip lang ito. Blog ko ito. Ippost ko ang gusto ko. :) Peace tayo friendships! :D

June 30, 2008 @ approximately 8 o'clock in the evening - Gumuho ang tanging mundong alam ko, ang tanging mundong ginagalawan ko at nagpapagalaw sa akin, ang tanging mundong inspirasyon ko sa bawat gawain ko sa buhay, ang nagbibigay sa akin ng motibasyon at kalakasan. Lahat ng iyon ay nawala nang gumuho ito.

Oo, masakit. Sobrang sakit ng nangyaring iyon. Nawalan ako ng gana sa lahat ng bagay at para bang nais ko na mawala sa BAGONG mundong ginagalawan ko - ang mundo kung saan WALA na siya. Kulang kung tutuusin ang "BAGO" kong buhay. Dati, Oo, inisip ko iyon. Hindi ko ito pinahalagahan. Naging malungkutin ako, at kung tatawa man ako ay isang ngiti lang ang makikita sa aking mga labi. ISA lang- wala ng dagdag pa. Mahirap ipaliwanag ang sakit na naramdaman ko noong mga oras na 'yun. Pero kung sasabihin sa isang salita, MASAKIT. 'Yun nga lang, ibang lebel ng sakit ang naramdaman ko. Para akong nawalan ng salamin sa mata, kulang at walang direksyon. Sa kauna-unahang pagkakatao'y naranasan kong umiyak nang walang tigil mula alas syete ng gabi mula alas kwatro ng madaling araw habang iniisip kung paano ako makababalik sa dati kong mundo.

Ninais kong lumayo, ngunit hindi habambuhay. Ninais kong maging malaya, ngunit hindi ang mawala siya. Magulo, oo. Ako din naguluhan sa mga gusto ko at dito na nagresulta ang pag-alis ko sa mundong iyon.

Sa mga unang araw ay naging miserable ang buhay ko. Miserable? Hindi ako gumagawa ng mga takda. Halos ayokong pumasok, ayokong kumain. Nais ko siyang makita, makausap. Nais kong maiayos ang lahat. Lumayong nasa mabuting sitwasyon ang lahat. Lumayo na hindi siya galit sa desisyon ko. Lumayong baon ang pag-asang sa huli ay ako pa rin. Pero hindi nangyari yun. Tinubuan ako ng balat sa pwet. Ni minsan sa mga unang araw na iyon ay hindi ko na siya kinakitaan ng sigla sa pag-uusap namin. Mali. Mali talaga ang ginawa ko. Hanggang sa mabalitaan ko nalang na may iba na siyang nililigawan. At naisipan ko na talagang lumayo. Lumayo. Lumayo. Malayung-malayo.

Binura ko siya sa Friendster, Multiply, at sa Y!M. Lahat na ng pwedeng magkonekta sa kanya at sa akin. Alam kong gayun din siya. Hindi man niya sabihin, kilala ko siya.

Madami akong nakilalang bagong kaibigan/kakilala/naging kagrupo. Una sa mga bagong ito ay ang mga Kas1 mates ko na sina Diane, Czary, and Beige; Math1 mates na sila Justine, Des, Andro, Yani, Jox, Diane ulit, Nikko, and Carla; PanPil12 mates na sina Ate Hope, ang mga kagrupo ko na sina Jayson, Raymund, Rosette at si Pat; ang PE1mates at mga kagrupo na sina Honeylet, Czary ulit, ang ALL BOY groupmates ko na sina Jayvee, Aron, Raffy and Roberto; Syempre ang Soc Sci 3 mates ko na sina Cara, Janelle, Mara, Potpot, Ray, Raiza, Bea at Dana; Mayroon pa sa LA1, si Lea, Harvey, Justine ulit at ang #18 player ng UP Basketball team na si Migs.(Sa mga di ko nasali sorry.)

At nakilala ko siya. Itago nalang natin siya sa pangalang "Y". Nakilala ko siya sa isa kong mga klase noong unang semestre. Naging magkaibigan kami, naging malapit na kaibigan, at naging matalik na magkaibigan. Kasama na ang kwentuhan, asaran, lahat na! Panatag ang loob ko pag kasama ko siya. Madali siyang palagayan ng loob dahil hindi siya nalulungkot. Lagi siyang sakto o masaya. Gusto ko siya. Yun nga lang, alam kong wala akong dapat asahan sa kanya. Pero ito, umaasa pa din. Kahit alam kong masakit.

Nangyari bigla ang di ko inaasahan. (basta) Nasaktan ako. Oo. Pero kaunti lang. Hindi kasing sakit ng sa "X" ko. Hindi kasing lakas ng pagsabog na nangyari dati. Pero kahit mahina, masakit pa din. Hindi man halata, mayroon pa din na hanggang ngayon ay nakatago at iilang tao lamang ang nakakaalam nito. Lumipas din naman iyon, at bumalik sa kami sa dati. Gusto ko na sabihin sa kanya pero natatakot ako sa sagot na maaari kong makuha. Ayokong marinig o malaman. Sapat na sa akin sa ngayon, na ganito lang kami at masaya (?). Okay lang.

Hanggang ngayon magkaibigan pa din kami. Biruan pa din ang tanging basehan ng lebel ng aming pagkakaibigan. Hanggang dun lang.

***** Wala akong magawa ngayong madaling araw. Pasensya naman.

♥♥♥High Again♥♥♥

  • Feb. 14th, 2009 at 8:37 AM

Here I go again.. :D May crush na naman ako.. Hahahaha! At gusto kong ibulgar ang initials niya. Want to guess?

i have a crush on a guy with initials
(not necessarily in order)  L.P.A <<--

so who's that pokemon? JOKE!

Hahaha.. Normal lang naman kiligin di ba? Ba't ba? :D

good bye multiply for good..

  • Jan. 12th, 2009 at 4:55 AM

uhmm.. ano.. kase.. naisip ko na.. mas makabubuti sa akin na.. ayun.. lumayu-layo muna.. at wag muna dumayo sa site na ito.. kasi.. ano e.. ayun.. hindi ko magawa ng maayos yung mga goal ko... nanlalambot ako sa nakikita ko.. I have to ano.. uhmm.. yah.. the two words.. kaya ito na siguro ang pwedeng maging way.. para.. magawa yun. dahil hirap na hirap na ako. siguro mas ok yung makita yun kaysa.. makita pa yung isa.. edi para naman akong ewan. ito nagsisisi nagfflashback lahat.. kaya eto.. saklap.. matagal na pero hoping pa din. walang kwenta. kaya minsan ayoko ng hope e. masakit kasi yun. ilang buwan na din. kaya sana.. matapos na ang agony na narito sa akin. kasi.. pagod na pagod na ako. sobrang pagod na ako magkunware.. makipagplastikan.. at sabihing okay lang kahit hindi.. bubuksan ko nalang ito pag okay na ako.. pag nahanap ko na ang sarili ko.. pag handa na akong makita ang katotohanan.. at pag nangyari yun.. di na ako babalik sa past. ang tanong.. kailan kaya ako makakabangon mula sa pinagbagsakan ko.. kailan magiging better sa better ang nararamdaman ko. ayoko na ng ganito.. pagod na pagod na ako. :(

goodbye...

Is there anyone?

  • Jan. 7th, 2009 at 3:31 PM

Just open it if you really want to know what it is.
....................................................................................................................................
.....................................................................................................................................
;;;;;;;;;;;;;;;;;;;;;;;;;;;;;;;;;;;;;;;;;;;;;;;;;;;;;;;;;;;;;;;;;;;;;;;;;;;;;;;;;;;;;;;;;;;;;;;;;;;;;;;;;;;;;;;;;;;;;;;;;;;;;;;;;;;;
;;;;;;;;;;;;;;;;;;;;;;;;;;;;;;;;;;;;;;;;;;;;;;;;;;;;;;;;;;;;;;;;;;;;;;;;;;;;;;;;;;;;;;;;;;;;;;;;;;;;;;;;;;;;;;;;;;;;;;;;;;;;;;;;;;;;;
'''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''
Paunawa lang: Lahat ito ay opinion ko lang. Mga napansin ko. Lahat ng ito'y unnecessarily na totoo. At kung may mga tao, bagay, o pangyayari man na maaaring mabasa, lahat ay coicident lang.Ü

I was just wondering if there are any UPCAT takers last August who chose the course I have - Bachelor of Arts in Public Administration. Kung meron man, good luck.

Siguro ang iba gusto talaga ang course na ito, meaning ito ang dream nila at gustong maging future, na ito talaga ang pinasukan niya since marami ang nagsasabing Pre-Law ito. At dahil sa gustong maging abogado ay kinuha nga ito bilang FIRST CHOICE. At second choice naman yung maaari pa nilang kunin.

Yung iba, kinuha ito dahil wala nang mapiling iba, ginawang "trip" lang ang UPCAT, o di kaya'y dahil sa nakalagay na Non-Quota Course ito sa mga SCRC Modules, ayan.. sige, tira! Laglagan kapag di kinaya sa isang course na gaya ng mga Eng'g at BA/BAA. Pwede nating sabihing nilagay niya ito sa 1st or 2nd choice... depende nga sa trip (halos lagi kong naririnig)

Ang iba pang nakakapasok sa College ay ang mga DPWS, mga di pinalad na makaabot sa quota ng course na pinili nila kaya sila pinapili sa ibang may slots pa. Okay lang, di naman nila kasalanan na dun sila nakapasok diba?

Ako, sa sarili ko, aaminin ko. Pinili ko ang course na ito dahil EWAN ko. Siguro dahil na rin sa impluwensya ng nanay at tatay kong gustung gusto akong makapasa sa UP - kahit ayaw ko dun. Public Admin daw e. Sinulat ko naman. Okay sige yun na. Oo, non-quota siya. E ano ngayon. ^^^ peace out!

Maraming beses naman na akong tinanong ng ganitong magkakasunod na mga tanong:
  1. Saan ka nag-aaral? - U.P.
  2. Saang U.P. ? - sa Diliman
  3. Anong course mo don? - P.A. (na kadalasang pagkakarinig ay BA kaya sa una'y lalaki ang mata)
  4. Ahh.. quota? - Hindi eh.. he he
  5. Ahh,,.... - ........
Obvious naman na pag sinabi mong quota course ay napakagaling na talaga. Ganoon din naman ang tingin ko noon e. Until may nagsabing, UP pa din yan..

Eh so pag non-quota ichipwera nalang? Hahahahaha.. Halikayong may ganoong paniniwala...
Gusto niyo bang makita ang pinag-aaralan ko? Kung ano ang nagturo sa akin magbasa ng magbasa kahit magulo...

.... ang hirap.. ang hirap hirap.. parang torture every meeting. every reading"s".. O.A. pero totoo. Parang tanggap ko nang matatanggal na ako dun. Gusto ko magshift pero sayang ang isang taon. Oo, sa una gusto ko. Akala ko okay lang siya dati kasi nga sabi nila.. non-quota naman daw.

Ang hirap... pero ayoko sumuko.. :(

♥All I wanna do is grow old with YOU ♥

  • Jan. 4th, 2009 at 7:11 AM

So wala lang naisipan ko lang naman magpost! Nababagot ako e. Kahit madaming gagawin. Kasalukuyang ka-chat ko si Marjorie ngayon, nag-uusap ng kung anu-ano. Hahaha..
Bakit nga ba kasi ganyan ang title ng blog ko.. hmm.. let me think. Well kasi nga, dati lahat nalang ng i-post ko about sa love life ko, kaso ngayon wala e. :)) Wala akong mapagdedikeytan nyan. :D

Whatever. HAHA.. Buburahin ko din naman itong post pag napagsawaan ko na. :D
'ciao!

Palanca Letter

  • Jan. 1st, 2009 at 12:24 AM

I've been hearing the word "Palanca" for a long time since high school, pero hindi ko naman talaga alam kung ano ang ibig sabihin ng Palanca. All I know is that it is a letter na ibibigay sa'yo pag retreat na. Pwedeng kahit anong design. Pabonggahan pa nga at colorful nga naman talaga. :D Kanina, while talking to a friend, pinaalala niya sa akin yung palanca na ibibigay ko sa kanya sa February. At naisipan kong i-search kung ano nga ba talaga ang Palanca.

Ayon sa site na ito : http://www.sanjosecursillo.org/palanca.php

What is palanca?
Palanca is intercessory prayer, sacrifice, or works of mercy. Palanca is basically the prayers and sacrifices we make for someone or something. Prayer and self-denial are palanca. The word "palanaca" is Spanish for a lever or crowbar. In the sense in which it is used in Cursillo, it means Eucharist, Rosaries, fasting, prayers, and personal sacrifices which are offered on behalf of the Cursillistas or Pilgrims.

What is a palanca letter?  A palanca letter is one that is sent to the candidates and team, informing them of the prayers and sacrifices that you are offering to God on their behalf.  A letter may be sent explaining what type of palanca is being offered, but the letter is NOT the palanca.  The actual palanca is the action - intercessory prayer, sacrifice, or works of mercy , and it can be done without writing a letter. These letters and small gifts which are given during a Cursillo are "Evidences of Palanca" to show that someone has been praying for the Cursillistas before or during the Cursillo.

P
stands for the privilege and power of Prayer, and for Personal service to the Cursillistas.
A
stands for the anytime, anywhere, by anybody, to anyone, for anything, which expresses the when, where, who and why of Palanca.
L
stands for the "lever" (Palanca) of our knees bent in prayer; for the love fo God towards us, and for our love one to another; for the Light of Christ, and for His Light which we bring to the world; and for the letters of love which are evidence of Palanca to the Pilgrims.
A
the second "A" stands for the acts we do (anonymously, if possible) to affirm God's love in our lives, ascribing all adoration and praise to God our Father, rather than pointing to ourselves.
N
stands for nourishment - providing for the Pilgrim's physical needs with food, snacks, and refreshments.
C
stands for the Core of Palanca - the caring community with Christ at the center.
A
the last "A" stands for the abundance of God's gifts to us, and for our need to accept his love.

-so ayan ang nakuha kong meaning ng Palanca :)

What a happy Christmas..

  • Dec. 25th, 2008 at 9:17 PM

Ito na siguro ang pinakamasayang paskong nangyari sa buhay ko. Ewan ko. Basta masaya. Kahapon nasa San Miguel kami together with my tita and tito from Australia. At buong araw na videoke, sayawan, KAINAN, although natulog ako nung hapon. Well, napuyat naman kasi ako nung 24 :))

MERRY CHRISTMAS!!! ü

  • Dec. 23rd, 2008 at 11:05 PM

di kasi makapagFS ng matino e.



"Silver bells, silver bells
It's Christmas time in the city
Ring-a-ling, hear them ring
Soon it will be Christmas day."



Ayan, babati na ako ng isang MALIGAYANG PASKO sa lahat.
As in Merry Christmas! Ü
Naisip ko talagang magbigay ng isang magandang bati para sa inyong lahat.
Spread the love this christmas.
Birthday ni Papa Jesus. :)
I hope that all of our wishes will come true. :p


Take care always!
God bless us all!May peace be with us all!
Muah! :*

Pagbati mula kay:
.chi
.chie
.cheng
.chichi
.chibel
.chibog
.achie
.anchien
.archie
.archibelle
.archibelle cansino
.archibelle acosta cansino :D


"He who has not Christmas in his heart will never find it under a tree.  ~Roy L. Smith"
`

ciao! :)

After 10 hours..

  • Dec. 14th, 2008 at 1:55 PM

At last, natapos ko na ang assignment ko sa aking mahal na major.. PA 11 :)) Mabuhay ka Readings!

Katatapos ko pa lamang at sa sobrang katuwaan na naiprint ko na siya ay nais kong pagngalandakan na matutulog na ako! hahaha! :))

May pasok pa ako mamayang 9am pero ang byahe ko ay dalawang oras. Grabe! Christmas break ko na na rin. Bakit ba kasi ang dami-dami kong ginagawa? Hmmm.. May kaibigan ako na halos walang ginagawa at talagang nakakainggit dahil wala siyang gaano ginagawa kundi magdota. Magpapaturo nga ako sa kanya next week e.

Ang saya ko talaga at natapos ko itong sa major...
Praise God!
Hallelujah!

-.- God bless people! Good morning-night.

Ü ARCHIE :))

P.S.
ano kayang mangyayari tomorrow? uhmm... hahahaha...

After 10 hours..

  • Dec. 14th, 2008 at 1:55 PM

At last, natapos ko na ang assignment ko sa aking mahal na major.. PA 11 :)) Mabuhay ka Readings!

Katatapos ko pa lamang at sa sobrang katuwaan na naiprint ko na siya ay nais kong pagngalandakan na matutulog na ako! hahaha! :))

May pasok pa ako mamayang 9am pero ang byahe ko ay dalawang oras. Grabe! Christmas break ko na na rin. Bakit ba kasi ang dami-dami kong ginagawa? Hmmm.. May kaibigan ako na halos walang ginagawa at talagang nakakainggit dahil wala siyang gaano ginagawa kundi magdota. Magpapaturo nga ako sa kanya next week e.

Ang saya ko talaga at natapos ko itong sa major...
Praise God!
Hallelujah!

-.- God bless people! Good morning-night.

Ü ARCHIE :))

P.S.
ano kayang mangyayari tomorrow? uhmm... hahahaha...